querida (08.05.07)
madilim, madilim
mabigat sa pakiramdam
pag ikaw ay nalayo
sa taong iyong inaasam
malungkot, o kay lungkot
para kang mababaliw
di mapawi-pawi ang lungkot
lagi ka pang nakasimangot
ano ba kasing nangyari?
bat tayo umabot sa ganito?
kanino ba dapat isisi?
sa iyo o sa aking sarili?
di maganda ang ating simula
totoo naman, hindi ba?
para kasing mabilis
napaaga ang ating first kiss
naalala ko pa nga dati
sa isang kaibigan ko sinabi
na ako’y nahuhulog na sayo
at eto ang kanyang payo:
“jusko! anu ka ba?
layuan mo sya hangga’t maaga
alam mo bang meron na syang asawa?
utang na loob, mag-isip isip ka!”
natawa na lang ako sa sinabi nya
pero di ko gaanong pinahalata
kahit kabutihan ko lang ang iyong hangad
friendship, wag ka ngang masyadong high blood!
pinagpatuloy ko ang aking kahibangan
wala akong ibang pinapakinggan
kaliwa’t kanan andaming sinasabi
na mga panghuhusga sa isang kulasisi
lahat ng iyon hindi ko ininda
basta’t magkasuyo tayo’t masaya
siguro di na kinaya ng iyong konsensya
kaya paggising ko wala ka na sa kama
mahal ko, nasan ka na?
mahal ko, san ka nagpunta?
bat di mo sinasagot ang telepono?
bat di ka nagrereply sa mga text ko?
malamig, o kay lamig
para akong mababaliw
sobra akong nangungulila
umuwi ka na sakin, o giliw!
ito na ang huli, ang huli kong liham
pero hindi pa din ako namamaalam
hihintayin ka at patuloy na aasa
lovingly yours, iyong querida

pakyu for thinking of this….
wahaha! sagana ako sa creative juice kagabi e
sapul ka nu?
eeewwww…hehe
well bitch, it happens in real life yknow